JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
3 ARESTADO, SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA SA CALAMBA

By: Rommel Madrigal

Arestado ang isang Babae at dalawang lalaki sa isinagawang buy bust operation ng Calamba City pulis na pinamunuan ni SPO2 Colinares.

Kinilala ni Calamba City COP PSupt. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na sina Sabel Manila, 34 na taong gulang ng purok 4 Brgy. Palingon, Armando Medalla 36 na taong gulang sa naturang ding lugar at isang Jerome Agojo, apat na put isang taong gulang ng Cadena de Amor St. Brgy. Uno, Calamba City.

Nakuha sa pag-iingat nina Manila at Medalla ang 0.54 gramo ng shabu na nagkakahaga ng apat na libo at limang daang pisong buy bust money.

Kay Agojo naman ang apat (4) na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng sampung (10) gramo na tinatayang nag kahalaga ng dalawamput apat (24) na libong piso at isang libong (1,000) pisong buy bust money, at iba't-ibang gamit sa pag rerepak ng shabu.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa regional laboratory office ng camp Vicente lim at sasampahan ang mga suspek ng kasong pag labag sa sec 5 at 11, article 2 ng Republic Act 9165.

Read 2433 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.