JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TUCP, IKINATUWA ANG PANGAKO NI PDU30 PARA WAKASAN ANG CONTRACTUALIZATION

By: Bernard Soliva Miñoza

IKINATUWA ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP ang binitiwang pangako ni PDU30 kagabi kaharap ang mga Labor Groups na susuporta ito sa total ban sa isyu ng contractualization sa hanay ng mga manggagawa sa bansa.

Ayon kay TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, pinasasubmit na sila ng Pangulo ng EO at pipirmahan daw ito ng Pangulo para umano ma-ban o matanggal na ang contractualization sa bansa na pahirap sa mga manggagawa.

Inulit daw ng Pangulo ang pangako nito at sinabing "it is my convection to get rid of endo and contractualization"

Bagamat committed ang pangulo pero kailangang pag-aralan muna dahil posibleng marami ang masasagasaan dahil may mga kontrata o agreement pa na dapat aayusin ang gobyerno at hanay din naman ng mga manpower agencies at employers.

Naniniwala ang TUCP na malapit na ang tagumpay sa ipinaglalaban at tagumpay ng sambayanang Pilipino lalo na sa hanay ng mga manggagawa.

Read 3851 times Last modified on Tuesday, 02 May 2017 20:45
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.