JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SA PEDERALISMO, PATULOY PA RIN ANG KONGRESO

By: Felix Tambongco

MANANATILI pa rin ang kongreso at hindi mawawalan ng trabaho ang mga empleyado nito, kahit pa maging Pederalismo ang Pilipinas.

Ito ang pagtitiyak na ginawa ng ilang political experts sa ginanap na seminar para sa House Secretariat officials at employees ukol sa “Briefing on What is Federalism.”

Ayon kay House Secretary General Atty. Cesar Strait Pareja, ang maapektuhan lamang ang kamara kapag ipinatupad ang isang unicameral o parliamentary system, subalit hindi sa federal system.

Paliwanag naman ni Dr. Clarita Carlos, isang propesor ng Political Science sa University of the Philippines (UP) at Executive Director ng Center for Scientific Research and Strategic Development, Inc. (CSRSDI), na may maliit lamang na pagbabago subalit mananatili pa rin ang lehislatura, tulad ng U.S. Congress sa Washington.

Sakali at ganap na maging Federal ang Pilipinas, ang House of Representatives ay magiging Federal Congress.

Read 3880 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.