JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
RUSSIA PUSPUSAN NA ANG PREPARASYON SA STATE VISIT NI PANGULONG DUTERTE

By: Gina Mape

PUSPUSAN na ang paghahanda ng bansang Russia sa natakdang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo 25 ngayong taon.

Kinumpirma ito ni Russian Ambassador Igor A. Khovaev, matapos na imbitahan ang Rotary Club of Ermital All Star Team Diplomatic na pinamumunuan ni Ms. Liz Villaseñor, ang All Star President of RC Ermita and Other Officers of Rotary International District 3810, Rotary Club of Ermita na dito ay nagkaloob ng Gift of Friendship sa pagitan ng All Star President at butihing Ambassador.

Ayon kay Ambassador Khovaev, napakamakasaysayan ang pagdalaw ni Pangulong Duterte, kauna-unahan sa kasaysayan ng dalawang bansa kaya gagawin nila ang lahat upang maging matagumpay ang pagkikita ng dalawang head of state.

Sinabi ng ambassador na tatalakayin nina Russian President Vladimir Putin at Pangulong Duterte ang lahat ng isyu gaya ng ekonomiya, seguridad at lahat ng pangunahing usapin para sa ikasusulong ng bilateral relations ng dalawang bansa at ng regional peace stability.

Ang Rotary Club of Ermita ay inimbitahan ng Russian envoy, bilang bahagi ng pagpapahalaga ng bansang Russia sa Pilipinas na dito ay hinandugan ng Rotary Club of Ermita ng isang plake na inukit ng National Artist Frederic Caedo, isang sculptor, na tatagal ng daan-daang taon.

 

Read 945 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.