JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PANIBAGONG ALEGASYON SA SUPPLEMENTAL COMPLAINT VS DUTERTE, PINALUTANG NI REP. ALEJANO

By: Felix Tambongco

PANIBAGONG alegasyon pa ang ipinalutang ni Magdalo Party List Rep. Gary Alejano nang maghain ito ng supplemental complaint sa impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang supplemental complaint tinukoy ni Alejano ang kawalang-aksyon ni Pangulong Duterte sa panghihimasok ng Tsina sa teritoryo ng Pilipinas, partikular sa Benham Rise.

Ito umano ay malinaw na betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution makaraang mabigo ang pangulo na ipairal ang exclusive sovereign rights at maritime rights ng Pilipinas, gayundin ang territorial claims sa Benham Rise at Panatag Shoal at sa West Philippine Sea.

Ayon pa kay Alejano, sa simula pa lamang ng panunungkulan bilang pangulo ng bansa wala na itong ginawa kundi suyuin ang bansang Tsina upang maiwasan ang sigalot sa isyu ng competing claims sa Spratly Islands at makakuha ng investments at loans kapalit ng pananahimik.

Nauna nang naghain ng impeachment complaint si Alejano laban kay Pangulong Duterte dahil sa betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, bribery, dahil sa madugong kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga at dahil sa vigilante death squad noong alkalde pa si Duterte ng lungsod ng Davao.


Samantala, sinabi naman ni Rep. Karlo Nograles na pampagulo at paninira lang sa gobyerno ang inihaing supplemental complaint sa unang inihaing impeachment ni Alejano laban kay Pangulong Duterte.

Sa una pa lamang umano ay halatado ng kulang ang sustansya ng reklamo kaya ito naghain ng karagdagang reklamo.

Ayon pa kay Nograles, hindi na niya ikagugulat kung may ihahain pa uling supplement ang kanilang grupo o iba pang personalidad.

Read 341 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.