JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
GABAY AT DISIPILINA SA MGA KABATAAN, DAPAT PALAKASIN NG MGA MAGULANG AT KOMUNIDAD

By: Melchor Balawas

Nanawagan ang isang dalubhasa sa mga magulang at ang komunidad na palakasin ang disiplina sa pamilya at ituro ang tamang pag-uugali ng mga bata simula sa murang edad pa lamang.

Sa pahayag sa DZRJ-8 TriMEDIA, sinabi ni Dr. Bernadette Arcena, psychiatrist ng St.Luke’s Medical Center na dahil sa masamang impluwensiya sa paligid na ginagalawanng mga bata ay nagdudulot ito ng maling pananaw kayat nai-impluwensiyahan din ang kanilang ugali.

Ginawa ni Arcena ang pahayag sa harap ng sunod-sunod na insidente ng panggagahasa kung saan karamihan ng mga suspek at biktima ay menor de edad.

Paliwanag pa ni Arcena na nakakaapekto din sa behavior ng bata ang mga pinapanood sa internet at ang mga palabas sa telebisyon na hindi angkop sa murang edad.

Dahil dito, sinabi ni Arcena na kailangan sa murang edad pa lamang ay turuan ang mga bata sa tamang gawain at paggalang sa mga babae.

Kung matatandaan halos magkakasunod lang ang kaso ng panggagahasa na nangyari sa Malabon, Bulacan at Iloilo kung saan ang mga biktima ay 12-year old, 16-year old at 11-year old.

 

 

Read 235 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.