JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SOLAR-POWERED UTILITY VEHICLES, BIBIYAHE NA

By: Melchor Balawas

Makikita na sa mga lansangan ang ibang klase ng public utility vehicles na hindi gumagamit ng krudo.

Sa pahayag sa DZRJ 8 TriMEDIA, sinabi ni Ka Lando Marquez, presidente ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na hinihintay lang nila si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pormal na paglulunsad ng solar-powered utility vehicles.

Sinabi ni Marquez, na bibiyahe na para sa publiko ang mga nasabing solar powered jeepneys o tricycles matapos magbigay ang Department of Transportation (DOTR).

Ayon pa kay Marquez, maganda ang nasabing klase ng sasakyan dahil malinis ito at hindi nagdudulot ng pollution.

Ito ay solar-powered at hindi na kailangan gumamit pa ng krudo o upang tumakbo kaya hindi ito nagbubuga ng usok.

Read 3219 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.