JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
2 SUSPEK SA PANANAMBANG SA LADY COP, NIRATRAT DIN NG RIDING IN TANDEM, ISA PATAY, ISA SUGATAN

By: Gina Mape

PATAY ang isa habang sugatan ang kapatid ng suspek sa pagpaslang sa isang lady cop sa Sta. Cruz, Maynila matapos silang ratratin ng riding in tandem criminal kagabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa nasabing pag-atake ng riding in tandem criminals, tinamaan ng ligaw na bala ang isang vendor.

Kinilala ni police on case SPO2 Joseph Kabigting ang namatay na suspek na si Jefferson Li, 34 anyos tricycle driver ng 1478 Estero De San Lazaro Sta.Cruz, Maynila na nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Isinugod naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang kapatid na Jefferson na si Gerard Li, 24 anyos, na tinamaan ng bala sa kanang paa.

Si Magdilino Futol, 40 anyos, vendor ng 303 Bustos St. Sta. Cruz, Maynila ay tinamaan ng ligaw na bala sa dibdib

Nabatid na bago ang insidente boluntaryong sumuko sa pulisya ang magkapatid na Li matapos na malaman na sila ay suspek o “person of interest ‘ sa pananambang kay PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25 anyos, nakatalaga sa Barbosa Police Community Precint at taga 1425 Lope De Vega St. Sta.Cruz,Maynila.

Nang matapos ang imbestigasyon at wala namang ebidensiya na nag-uugnay sa kanila sa pagkamatay ni Alafriz, ibinigay na sila sa pangangalaga ng kanilang ina na si Susana Li.

Pag-alis sa tanggapan ng MPD homicide section, sumakay sa motor ang magkapatid habang ang kanilang ina na si Susana at ka-live in ni Gerard ay sumakay naman sa taxi.

Habang binabagtas ng magkapatid sakay ng Mio Amore motorcycle na may plate number 8001 SQ na minamaneho ni Gerard, sinundan sila ng mga suspek na nakasuot ng helmet at mask saka sila pinagbabaril.

Nabatid na nalaglag sa motorsiklo si Jefferson nakatakbo pero patuloy na pinagbabaril ng mga suspek at idineklarang dead on arrival sa pagamutan matapos isugod ni Reynaldo Paulino, tricycle driver habang nakahingi naman ng tulong sa kalapit na police outpost si Gerard.

Samantalang sa Mary Chiles Hospital naman isinugod si Futol na tinamaan ng ligaw na bala .

Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa motibo ng pamamaslang kay Jefferson.

Read 1916 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.