JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PANUKALANG BATAS UPANG MATUGUNAN ANG JOB MISMATCH SA BANSA

By: Melchor Balawas

Kailangan daw ang komprehensibong pag-aaral at programa ng gobyerno upang tugunan ang job mismatch sa bansa.

Ang job mismatch ay isang sitwasyon kung saan hindi akma sa trabahong bakante ang kursong tinapos ng isang mag-aaral.

Sa panayam sa DZRJ, sinabi ni 1-Edukasyon partylist Rep. Salvador Belaro Jr., na libu-libong mag-aaral ng nagtatapos sa kani-kanilang kurso kada taon pero wala silang trabaho.

Dahil dito, sinabi ni Belaro na naghain siya ng mga panukalang batas sa kamara upang matugunan ang job mismatch.

Sinabi niya na sa kanyang panukala, pag-aaralan ng gobyerno ang problema sa education gap at ito ang hahanapan ng solusyon.

Isa sa tinutukoy ni Belaro na magandang tutukan ng gobyerno ay ang mapabuti ang mga kurso na may kinalaman sa agrikultura at siyensa o pang-agham na kurso.

Ibig din ni Belaro na imbestigahan sa kongreso ang posibleng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa upang umakma o tumugma sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.

Read 6653 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.