JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PANIBAGONG POWER RATE HIKE, KINUNDINA NG MILITANTENG KONGRESISTA

By: Felix Tambongco

KINUNDINA ng militanteng kongresista ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa ginawa nitong pag-apruba sa P0.22 per kilowatt hour (kwh) na singil sa kuryente ng Meralco para sa tatlong magkakasunod na buwan, mula Marso hanggang Mayo dahil sa Malampaya shutdown.

Ayon kay Bayan Muna Rep.Carlos Isagani Zarate, ang pagkakaapruba umano sa bagong power rate hike ay kwestyonable.

Ginagamit na naman umanong dahilan ang shutdown ng Malampaya para palusutin ang dagdag na singil sa kiryente at muli ay ipasa sa mga consumer ang bayarin.

Nagkaroon na umano ng ganitong sitwasyon noong Malampaya 2013 shutdown nang tangkain ng mga energy players na ipasa sa consumers ang P4.50/ kwh increase.

Sinabi ng mambabatas na ilang taon na ang nakalilipas pero bigo pa rin ang ERC na isapubliko ang kanilang report sa power rate hike.

Kaya nga't inihain niya noon ang House Resolution 863 para paimbestigahan sa kamara ang naturang power rate hike.

Samantala, nanawagan rin si Zarate sa mga electric consumer na maging vigilante at magsagawa ng protesta laban sa hindi makatarungang power rate hikes na ito.

Read 3247 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.