JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DATING SPEAKER NOGRALES, MAGHAHAIN NG MR SA DESISYON NG OMBUDSMAN

By: Felix Tambongco

MAGHAHAIN ng Motion for Reconsideration (MR) si dating house Speaker Prospero Nograles sa naging desisyon ng ombudsman sa isinampang kaso laban sa kanya.

Ayon kay Nograles, peke o spurious documents at mismatched timelines ang desisyon ng Ombudsman na sampahan siya ng kaso sa Sandiganbayan.

Ayon kay Nograles, wala pa siyang natatanggap na kopya ng naging desisyon ng Ombudsman pero naghahanda na siya ng mosyon at umaasang pag-aaralan ng korte ang authenticity ng dokumento.

Iginiit pa nito na wala siyang natanggap o na-facilitate para sa pagpapalabas ng PDAF fund para sa unang distrito ng Misamis Oriental, noong nagsisilbi siya bilang caretaker congressman ng distrito matapos mamatay si dating Rep. Danilo Lagbas.

Nilinaw ni Nograles na kahit caretaker siya subalit wala siyang naging administrative control sa araw-araw na operasyon.

Kwestiyonable rin umano ang lagda ng mga dokumentong isinumite bilang ebidensiya sa umano’y maanomalyang PDAF subalit hindi man lamang kumuha ng expert opinion sa authenticity ng ebidensiya ang Ombudsman.

Umapila rin si Nograles sa mga nasa likuran ng kampanya laban sa kanya na itigil na ang pagdidiin sa kanya sa kaso dahil matagal na siyang retirado sa pulitika at hindi rin interesado sa anumang government position.

Read 2527 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.