JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TRILLANES, MAAARING MATANGGAL SA PAGKA-SENADOR KUNG LUMABAG SA ALITUNTUNIN NG SENADO

By: Melchor Balawas

Maaaring matanggal sa pagka-senador si Antonio Trillanes IV kung mapapatunayan na lumabag siya sa mga alituntunin ng senado.

Sa panayam sa DZRJ, sinabi ni senate majority leader at kasalukuyang chairman ng senate committee on ethics and privileges Vicente "Tito" Sotto III na ang pinakamabigat na parusa na pwedeng igawad ng senado sa isang erring senator ay ang pagtanggal sa pagkasenador.

Ang senate committee on ethics and privileges ang may hurisdiksiyon sa lahat ng bagay na may kinalaman sa conduct, rights, privileges, safety, dignity, integrity and reputation ng senado at sinumang miyembro nito.

Sa ilalim ng Saligang Batas, may kapangyarihan ang kongreso na maggawad ng parusa sa sinumang miyembro nito dahil sa disorderly behavior.

Ayon kay Sotto, katatanggap lang ng kanyang komite kahapon ang ethics complaint laban kay Trillanes na isinampa naman ni Atty. Abelardo De Jesus.
Sinabi ni Sotto na batay sa pagsulyap niya sa nasabing reklamo, nakabatay sa dalawang isyu ang reklamo ni Atty. De jesus gaya ng bribery allegations ni Trillanes laban sa dalang court of appeals justices na di umano’y tumanggap sila ng milyong halaga ng pera kapalit ng Temporary Restraining Order upang mapigil ang suspension noong ni Makati City mayor Junjun Binay.

Ang pangalawang dahilan ng reklamo ay ang pagtawag ni Trillanes na mamamatay tao si Pangulong Rodrigo Duterte at ang pagbubunyag nito na may tagong yaman ang pangulo na umaabot ng P2-billion.

Pero sinabi ni Sotto na hindi pa magsasagawa kaagad ng pagdinig ang kanyang komite dahil mababago ang membership nito.

Read 2816 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.