JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
RECTO MANANATILI SA LP

By: Jojo Sicat

MANANATILI si Senador Ralph Recto sa hanay ng Liberal Party kahit naiwan ito na mag-isa sa hanay ng mayorya ng senado sa kabila na pinatalsik ang apat na kasamahan sa LP ng majority group na sina Senador Franklin Drilon, Riza Hontiveros, Bam Aquino, Francis "Kiko" Pangilinan.

Kahapon ay nagpadala naman ng liham si Senador Leila de Lima sa plenaryo sa senado na nakasaad ang kanyang pag-withdraw sa hanay ng mayorya sa senado at nais na samahan ang LP senators sa majority group.

Sa panig ni Recto na miyembro rin ng LP na ngayon ay bagong talagang Senate Protempore na pumalit kay Drilon, iginiit nito na mananatili itong miyembro ng LP at purely legislative lamang na mandato bilang senador ang kanyang pagsanib sa majority group.

Sinabi ni Recto na hindi porke na nasa mayorya ito ay lagi itong sasang-ayon sa administrasyon kahit taliwas ito sa kanyang prinsipyo.

Aniya kung ano ang ginagawa nito noong minority leader ganun din ang kanyang gagawin ngayong siya na ang Senate Pro tempore ng bagong komposisyon ng senado.

Read 2162 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.