JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
GORDON, HINIKAYAT ANG MGA KAPWA SENADOR NA PROTEKSYUNAN ANG INSTITUSYON

By: Jojo Sicat

NANANAWAGAN si Senador Richard Gordon ang chairman ng Senate Committee on Justice sa mga kapwa senador na dapat proteksyunan ang institusyon ng senado sa mga nais na babuyin ang kredibilidad nito.

Sa panayam sinabi ni Gordon na kaya tutol ito na muling buksan ng Justice committee ang pagdinig sa Davao Death Squad upang pangalagaan ang institusyon at kredibilidad ng senado matapos ang pagbaliktad ni SPO3 Arthur Lascañas sa naunang pahayag nito sa nakaraang taon pagdinig sa serye ng pamamaslang ng DDS sa Davao City.

Aniya ni Gordon nanumpa noon sa kanyang komite si Lascañas na magsasabi ng katotohanan ukol sa umano'y pamamaslang ng DDS sa mga kriminal sa Davao City.

Subalit ngayon taliwas na ang pahayag ni Lascañas kung saan idinidiin si Pangulong  na mastermind sa pamamaslang ng DDS sa Davao City sa mga hinihinalang sangkot sa iligal na gawain.

Nanindigan si Gordon na hindi dapat na gawing uto-uto ng sinumang senado na magtetestigo at sa bandang huli ay babaligtad at muling lalantad sa pagdinig sa senado.

Hindi naman tutol si Gordon na talakayin ang ginawang pagbubulgar ni Lascañas huwag lamang sa kanyang komite.

Dagdag pa ng senador na kahit muling buksan ang pagdinig sa DDS sa komite ni Senador Panfilo Lacson bilang Chairman ng Public Order and Dangerous Drugs hindi ito dadalo sa naturang pagdinig na haharap si Lascañas dahil nakagawa na aniya ito ng committee report at pangangalagaan ang institusyon.

Iginiit pa ni Gordon na hindi ito ang sinampal kundi ang senado kung papayagan muli na padaluhin si Lascañas sa pagdinig sa mataas na kapulungan ng kongreso..

Matapos ang talakayan sa plenaryo sa senado nagkasundo rin na talakayin at buksan ang pagdinig sa komite ni Lacson kung saan pakikinggan ang magiging pahayag ni Lascañas.

Read 3829 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.