JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MGA PULIS NA IPAPADALA SA MINDANAO, DADAAN MUNA SA SECURITY PERIMETER BRIEFING

By: Melchor Balawas

Magsasagawa muna ng security perimeter briefing ang Basilan Provincial Police Office (BPPO) para sa 253 policemen na miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ililipat sa Mindanao.

Sa panayam sa DZRJ, sinabi ni Police Supt. Edwin Romero, deputy director for operations ng Basilan PPO na layunin ng nasabing security briefing na ipaalam sa mga nasabing pulis ang sitwasyon sa Basilan.

Idinagdag pa ni Romero na ang mga nasabing pulis na galing sa NCRPO at malilipat sa Basilan PPO ay maitatalaga sa mga malalayong lugar ng Basilan.

Sinabi pa ni Romero na pansamantala munang titira ang mga ito sa Basilan PPO headquarters habang hindi pa sila naide-deploy sa kanilang assignments.

Sa naunang pahayag sa DZRJ ni NCRPO Director C/Supt. Oscar Albayalde, aalis alas-tres (3:00 o’clock a.m.) bukas ng madaling araw ang 253 NCRPO policemen patungong Mindanao at inaasahang darating sa Zamboanga City ganap na ika-siyam (9:00 o’clock a.m.) ng umaga bukas.

Una ng ipinagutos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang paglipat sa mga nasabing pulis matapos silang masakot sa samut-saring kaso tulad ng hulidap, illegal detention, robbery, moonlighting at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.

Read 5892 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.