JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TRILLANES, NANINIWALA NA LALABAS ANG KATOTOHANAN SA UMANO’Y TAGONG YAMAN NI DUTERTE

By: Melchor Balawas

Naniniwala si Sen. Antonio Trillanes IV na lalabas ang katotohanan sa inilantad niyang tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte na aabot ng P2-billion.

Sa panayam sa DZRJ, sinabi ni Trillanes na nagsampa na siya ng kaso laban kay Duterte noong nakaraang taon sa tanggapan ng Ombudsman at kasalukuyang nangangalap na ng katibayan ang fact finding body ng Ombudsman.

Sinabi pa ni Trillanes na batay sa kanyang natatanggap na ulat mula sa ombudsman ay totoo ang kanyang hawak na mga dokumento hinggil sa tagong yaman ng pangulo.

Sinabi pa ng senador na dalawang sangay ng Bank of the Philippine Islands (BPI) nakatago ang P2-billion ill-gotten wealth ng pangulo, isa sa Ortigas branch at isa sa Greenhills branch.

Idinagdag pa ng senador na kung ligal man ang pinagmulan ng yaman ni Duterte ay hindi parin daw ito makakalusot sa batas dahil sa statement of assets, liabilities and networth (SALN) ng pangulo mahigit P20-million lang ang idineklara nito.

Pahayag pa ni Trillanes na ang maling deklarasyon ng pangulo sa kanyang SALN ay impeachable offense sa ilalim ng Saligang Batas.

Una ng sinabi ni Trillanes na meron tig-iisang daang milyong pisong bank deposits ang tatlong anak ni Duterte na sina Davao City mayor Sara “Inday” Duterte - Carpio, Paolo at Sebastian Zimmerman Duterte.

Ang nasabing bank deposits ng pangulo ay nagmula daw mula sa taong 2006 hanggang 2016.

Read 4055 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.