JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
KIM WONG ALALAY LANG NI JACK LAM

By: Jojo Sicat

LUMABAS sa pagdinig sa senado na ang kilalang junket operator ng casino na si Kim Wong ay naging alalay lang noon ni Chinese Gambling Tycoon Jack Lam.

Sa pagdinig sa senado sinabi ng business partner ni Lam nasi Charlie Atong Ang na alalay lamang noon ni Lam si Wong.

Aniya dati lamang na interpreter ni Lam si Wong dahil hindi ito marunong magsalita ng Tagalog o English.

Subalit giit ni Ang ng malaman ni Wong ang pasikot-sikot sa gambling casino ay nagsarili na ito.

Nakilala si Wong ng madawit ito noon sa kontrobersyal na ninakaw na pera ng Bangladesh Government na napunta sa RCBC Makati Branch at ginamit ng ilang junket operator sa bansa kabilang na si Kim Wong.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig hindi rin napigilan ni Ang na pasaringan sa senado na ang punot dulo ng gulo na nauwi sa pagraid sa Fontana Clark sa Pampanga at sa extortion ng P50M nila dating Associate Commissioner ng Bureau of Immigration na sina Atty. Al Argosino at Atty. Michael Robles ay ang away sa pagitan nila Lam at Wong.

Sinabi pa ni Ang na umabot sa 6,000 katao ang nawalan ng trabaho sa casino at hotel operation ng Fontana matapos ang isinagawang raid ng DOJ at BI.

Samantalang patuloy parin ang pagtanggi ng magkabilang panig na ang isa sinasabi na may naganap na suhulan at ang isa naman ay naninindigan na may extortion na naganap sa kontrobersyal na abutan ng P50M sa City of Dreams sa pagitan nila dating Associate Commissioner Atty. Michael Robles, Atty Al Argosino at dating P/Sr. Supt. Wenceslao Wally Sombero.

Read 2458 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.