JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BANK ACCOUNT NI PANGULONG DU30, ILALANTAD NI TRILLANES

By: Jojo Sicat

NAGPATAWAG ng press conference si Senador Antonio Trillanes IV ngayong alas 9:00 ng umaga para sa umano'y bank account ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa naturang text messages ng tanggapan ni Trillanes sa mga mamamahayag sa senado, nakasaad na posibleng kanyang ilalantad mamaya sa pulong balitaan ang mga tagong bank account ng Pangulong Duterte.

Kilala si Trillanes na numero unong kritiko ni Duterte kahit noong panahon pa ng kampanya kung saan dati ng binatikos ng senador ang pangulo ukol sa bank account nito.

Samantalang magpapatuloy mamayang alas 10:00 ng umaga ang ikaapat na pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa kontrobersyal na immigration bribery scandal kung saan nakatakdang dumalo mamaya si dating P/Supt. Wenceslao "Wally" Sombero ang umano'y bag man ni Chinese Gambling Tycoon Jack Lam.

Sa panayam kay Trillanes sinabi nito na kanyang bubusisiin ang mga magiging pahayag ni Sombero para patunayan na may kinalaman si Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pagtanggap ng suhol ng dalawang dating Immigration Associate Commissioner Atty. Al Argosino at Atty. Michael Robles.

Naniniwala si Trillanes na may kinalaman si Aguirre sa naturang kontrobersiya lalo na sa pag-alis ni Sombero sa bansa matapos na makalusot at payagan ito ng Bureau of Immigration.

Nagbanta naman si Senador Richard Gordon kay Sombero kung sakaling magkaroon ng discrepancies sa mga magiging pahayag nito sa senado base sa mga naging pahayag nito sa media at sa affidavit na inihain nito sa isinampang kaso sa ombudsman.

Aniya ni Gordon magagamit ng Blue Ribbon Committee laban kay Sombero ang mga naunang pahayag nito sa media at affidavit sakaling paikot-ikutin nito ang mga senador sa isasagawang pagdinig mamayang alas 10:00 ng umaga.

Read 2247 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.