JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SALAYSAY NG MGA INMATES LABAN KAY DE LIMA, WALA NG HALAGA – SEN. TRILLANES

By: Melchor Balawas

Nawalan na ng halaga ang salaysay ng mga New Bilibid Prison inmates na tumestigo laban kay Sen. Leila De Lima hinggil sa pagkasangkot daw nito sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Sa isang panayam sa DZRJ, sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na hindi na kapani-paniwala ang testimonya nina Jayvee Sebastian, Herbert Colangco at iba pang preso na sangkot si Sen. De Lima sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Ayon kay Trillanes, ito ay matapos mag-leak ang isang confidential memorandum ng Bureau of Corrections (BuCor) na nagsasabing nabigyan ng special privilege ang walong bilibid inmates kapalit ng pagtestigo nila sa kongreso laban kina Sen. De Lima.

Una ng nagleak sa media ang confidential memorandum na nilagdaan ni BuCor Legal Division chief Atty. Alvin Lim kung saan nakasaad daw umano ang napag-usapan ng kinatawan ng BuCor, AFP, PNP na pinapayagan daw umano ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang cellphone privilege sa mga nasabing preso kapalit ng testimonya nila laban sa senador.

Sinabi pa ni Trillanes na halatang-halata na nagpapagamit ang Department of Justice sa kagustuhan ni Pres. Rodrigo Duterte upang ipakulong si De Lima.

Read 2254 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.