JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ILLEGAL GAMBLING UGAT NG KORUPSYON - LACSON

By: Jojo Sicat

SUPORTADO ni Senador Panfilo Lacson ang bagong kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na tugisin ang iligal na sugal sa bansa.

Sa panayam sa senado sinabi ni Lacson na tama lamang ang ginawang kautusan ni Pangulong Duterte laban sa illegal gambling.

Aniya ito ang ugat ng korupsyon hindi lamang sa PNP maging sa mga opisyal ng pamahalaan maging lokal o nasyunal.

Iginiit ni Lacson na kung may anti-corruption effort ang Duterte administration tama lamang na pagtuunan ng pansin ang mga illegal na sugal.

Inihalimbawa pa ni Lacson ang kaso ng Chinese gambling tycoon Jack Lam kung saan nadawit sa suhulan ang dalawang mataas na opisyal ng immigration na sina dating immigration associate commissioner Atty. Al Argosino at Atty. Michael Robles na iniimbestigahan na ngayon sa senado.

Iginiit ng senador na kung talagang seryoso ang pamahalaan na labanan ang illegal gambling dapat pairalin ang "no take policy" o ang hindi pagtanggap ng payola ng mga public officials at PNP officials mula sa mga gambling lords.

Dagdag pa ni Lacson, kung walang malalagyan walang illegal na sugal ang maglilipana sa bansa.

Read 2922 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.