JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DU30, HINDI MASISISI SA PAGSUSPINDE SA PEACE TALK- LACSON

By: Jojo Sicat

PABOR si Senador Panfilo Lacson sa ginawang pagsuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng CPP, NPA,NDF.

Ayon kay Lacson, dapat na tingnan din ang sitwasyon ng pangulo kung saan nanggaling ito sa burol ng napatay na sundalo ng mga miyembro ng New Peoples Army ( NPA).

Aniya hindi masisisi ang pangulo sa naging desisyon nito dahil sa February 10 pa ang deklara ng rebeldeng grupo na tigil ceasefire kung kaya't na lumabag ang miyembro ng NPA ng brutal na paslangin ang tatlong sundalo.

Sinabi ni Lacson na dapat ay may koordinasyon ang CPP,NDF sa kanilang armed group ang NPA kung saan umatake ng sundalo bago ang February 10.

Aniya ng senador tama lamang na suspindehin muna ang peace talks subalit hindi nangangahulugan na tuluyang ititigil ang usaping pangkapayapaan.

Sa panig naman ni Senador Bam Aquino hinikayat nito ang National Democratic Front (NDF) na isuko nito ang miyembro ng NPA na sangkot sa brutal na pagpaslang sa tatlong sundalo sa Malaybalay Bukidnon.

Iginiit ni Aquino na kung talagang sensiro ang NDF na makamit ang tunay na kapayapaan dapat na isuko nila ang sangkot sa pananambang sa tatlong sundalo.

Read 6566 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.