JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
KASO NG LIMANG POLICE GENERALS NA SANGKOT UMANO SA ILIGAL NA DROGA, NASA KAMAY NA NG PANGULONG DUTERTE

By: Melchor Balawas

Nasa kamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso ng limang police generals na inakusahan niyang kasabwat sa kalakalan ng iligal na droga.

Sa panayam sa DZRJ, sinabi ni National Police Commission (NAPOLCOM) Vice-Chairman Atty. Rogelio Casurao, naipasakamay na nila kay Pres. Duterte ang kaso laban kina dating quezon city police district head Dir. Joel Pagdilao at dating region at si C/Supt. Edgardo Tinio.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Atty. Casurao na sina retired police Deputy Director-General Marcelo Garbo at si Daang Bantayan, Cebu Mayor at dating Police General Vicente loot ay nakasuhan na ng kriminal at administratibo.

Kasalukuyan parin daw na iniimbestigahan ang kaso ni dating region 11 Director C/Supt. Barnardo Diaz.

Ayon pa kay Atty. Casurao, tuloy-tuloy pa rin ang imbestigasyon nila laban sa mga iba pang pulis na nahaharap ng reklamo.

Kung matatandaan, pag-upo pa lamang ni Pangulong Duterte sa trono ay pinangalanan niya ang mga nasabing police senior officers na kasabwat umano sa illegal drug trade sa bansa.

Read 1967 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.