JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
"DEATH PENALTY BY HANGING" NAIS IPATUPAD NI DIGONG

Nais ni presumptive President Rodrigo Duterte na magpatupad ng “death penalty by hanging”.

Sinabi ni Duterte sa mga mamamahayag sa Davao City na ang gagawin niya ay hihimukin niya ang kongreso na ibalik ang “death penalty by hanging” lalo na sa krimeng may kaugnayan sa droga.

“What I would do is urge congress to restore the death penalty by hanging, especially if you use drugs,” ani Duterte.

Dagdag ni Duterte, gusto niyang ibalik ang parusang kamatayan sa mga heinous crimes kabilang ang robbery with rape.

Noong siya ay nangangampanya ay hayagan ang pahayag ng alkalde na pabor siya sa muling pagpapatupad ng death penalty.

Tinanggal ang death penalty sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2006.

Read 2420 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.