JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
IMBESTIGASYON SA MGA PULIS NA SANGKOT SA KIDNAPPING FOR RANSOM SA ISANG KOREAN BUSINESSMAN, PATULOY!

By: Melchor Balawas

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at manhunt operations ng Philippine National Police (PNP) sa ilang miyembro ng PNP na sangkot sa kidnapping for ransom o tokhang-for-ransom.

Sa panayam sa DZRJ, sinabi ni Police Supt. Dennis Wagas, legal Officer-PNP Anti-Kidnapping Group na lubha nilang ikinahihiya ang pagpatay ng ilang police sa isang South Korean businessman na si Ji ick-Joo sa parking lot mismo ng Camp Crame.

Ayon kay Supt. Wagas, sa imbestigasyon ng NBI na na-isumite sa Department of Justice, dinukot ng mga suspek si Ick-Joo noong October 18,2016 sa kanilang bahay sa Pampanga bandang alas-2 ng hapon at dinala sa parking lot sa Camp Crame.

Dagdag pa ni Supt. Wagas, na bandang alas-10 ng gabi hanggang alas -12 ng hatinggabi ay pinatay ng mga suspek si Ick-Joo sa pamamagitan ng garrote o pagpilipit sa leeg nito sa loob mismo ng kanyang sasakyan sa parking lot ng Camp Crame.

Idinagdag pa ni Supt. Wagas na lingid sa kaalaman ng asawa ni Ji Ick-Joo na si Mrs. Choi Kyung-jin, na pinatay na pala ang kanyang asawa, nagbayad daw siya ng P5-million ransom noong October 30, 2016 sa mga suspek.
Ang mga suspek ay sina SPO3 Ricky Sta.Isabel, SPO4 Roy Villegas at dalawa pang police members at ilang civilians.

Pagkatapos daw patayin ay dinala ang bangkay ng biktima sa Gream funeral Services sa Caloocan City at doon sinunog at i-fli-nash sa inidoro ang abo nito.

Ang nasabing crematorium ay pagmamay-ari din ng isang suspek na dati ring police na si Gerado Santiago, barangay chairman ng barangay 165, Caloocan City.

Kahapon ay inilabas na ng Department of Justice ang kanilang resolusyon na nag-a-apruba sa pagsampa ng kasong special complex crime na kidnapping for ransom with homicide laban kina SPO3. Sta.Isabel, SPO4 Villegas, Ramon Yalung at iba pang hindi pa nakikilalang pangalan.

Humingi narin ang South korean government ng paliwanag at hustisya mula sa Philippine government hinggil sa kaso ni Ji Ick-Joo.

Samantala, sa kabilang dako, una ng sinabi ni Teresita Ang-See, ng Movement for Restoration of Peace and Order na halos 90% ng mga biktima ng kidnapping for ransom o tokhang for ransom ay chinese national pero hindi lang masyadong nailalathala ito dahil hindi nag-iingay ang chinese government.

Read 2018 times Last modified on Friday, 20 January 2017 11:03
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.