JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGKADAWIT KAY VP LENI SA TINATAWAG NA “LENIELEAKS”, ISA LANG UMANONG PANINIRA

By: Melchor Balawas

Isa naman daw umanong paninira sa pangalan ni Vice President Ma. Leonor Robredo ang pagkadawit ng kanyang pangalan sa tinatawag na LenieLeaks.

Ito ang binigyan diin ni Atty. Georgina Hernandez, tagapagsalita ni VP Robredo sa panayam ng DZRJ sa kanya kanina.

Ayon kay Hernandez, ikinagulat ng Bise-presidente ang pagkadawit ng kanyang pangalan hinggil sa nasabing usapin.

Ang LenieLeaks ay binubuo ng Global Filipino Diaspora Council na may kinalaman daw umano sa planong pagpapatalsik sa pwesto kay Pres. Rodrigo Duterte.

Nilinaw ni Hernandez na hindi kabilang si VP Robredo sa nasabing general yahoo group.

Kung nababanggit man daw ang pangalan ng bise-presidente sa nasabing yahoo account, ito ay dahilan sa siya ay isang public official.

Hinggil naman sa tanong kung kilala ni VP Robredo si Ms. Loida Nicolas-Lewis na isang Fil-American Philanthropist, inamin ni Hernandez na kilala ito ng bise-presidente pero wala daw kaugnayan nito sa ouster Duterte plot, bagkus ito ay dahil si Loida ay supporter ng bise-presidente.

Matatandaan na una ng lumabas sa yahoo account na Global Filipino Diaspora Council ang plano hinggil sa di umano’y planong pagpapatalsik sa pangulo.

Read 3377 times Last modified on Tuesday, 10 January 2017 13:18
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.