JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
IMPLEMENTASYON NG RA 9003 PAIIGTINGIN NG DENR

By: Felix Tambongco

PAIIGTINGIN pa ng DENR sa pamamagitan ng National Solid Waste Management Commission ang implementasyon ng Ecological Solid Waste Management Act o ang RA 9003 sa pamamagitan ng paggamit ng ibang estratehiya.

Kabilang sa estratehiya ay ang pagkakaroon ng partnership sa mga public market, commercial enterprises, at sa 24 na environmentally sustainable cities.

Una ng nagsagawa ng dialogue ang NSWMC at tanggapan ng Ombudsman sa mga Local Government Unit at ipinarating sa mga ito ang mas mahigpit na patakaran na ipatutupad ng dalawang ahensya sa pagpapatupad ng RA 9003.

Sa ulat ng ahensya, umaabot na sa 1,688 LGU’s ang nabigyan ng technical assistance para sa implementasyon ng naturang batas.

Samantala, nagbabala naman ang DENR na hindi sila mangingiming kasuhan ang mga LCEs o pangasiwaan dahil sa hindi pagpapatupad ng RA9003.

Read 2056 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.