JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
VP LENI ROBREDO, NAGBITIW NA SA DUTERTE CABINET

Nakatakdang kumalas sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Sa kanyang statement, epektibo na ngayong araw, December 5, ang kanyang pagbibitiw sa puwesto bilang pinuno ng HUDCC, kasabay ng pormal na paghahain niya ng resignation letter sa pangulo

Gumugulong na aniya kasi ang plano para sa mga nais na umagaw sa kanyang posisyon bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Marami rin aniya silang pagkakaiba ni Duterte tulad sa Marcos burial, extra-judicial killings at sexual attacks sa mga kababaihan.

Dagdag pa rito na nakatanggap aniya ang kampo ni Vice President Robredo ng text message mula kay Cabinet Sec. Jun Evasco Jr., na nagsasabing huwag na siyang dumalo sa lahat ng cabinet meetings simula bukas (ngayon) alinsunod sa utos ng Pangulo.

Sa kabila nito, hindi umano nito hahayaan na maagaw ang kanyang pagiging vice president ng bansa at ipagpapatuloy na matulungan ang mga pamilyang Pilipino.

Read 2208 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.