JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
P3.35 TRILYON PAMBANSANG BUDGET PARA SA 2017 APRUBADO NA NG SENADO

By: Jojo Sicat

INAPRUBAHAN na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang P3.35 Trilyon pambansang budget para sa susunod na taon.

Walang kahirap hirap na lumusot sa senado ang budget matapos na katigan ito ng 20 senador na dumalo sa plenaryo.

Agad naman na binuo ni Senate Majority Leader Vicente Tito Sotto III ang mga miyembro ng Bicameral Conference Committee ng senado na siyang haharap sa mga kongresista para pagtugmain ang bersyon ng Senado at Kamara de Representante.

Ang mga miyembro ng Bicam ng Senado ay sina Senadora Loren Legarda ang Chair ng Finance Committee, Senate Majority Leader Vicente Tito Sotto III, Senadora Nancy Binay, Senador Sonny Angara, Senadora Cynthia Villar, Senador Panfilo Lacson, Senador Ralph Recto, Senador Juan Miguel Zubiri at Senate Pro-tempore Franklin Drilon.

Matapos ang bicameral committee agad naman na isasalang ito para sa ratipikasyon at matapos nito isusumite sa palasyo para sa paglalagda naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read 3251 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.