JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MAKATI CITY, TINANGHAL NA 'SELFIEST CITY' SA BUONG MUNDO AYON SA TIME MAGAZINE

Tinanghal bilang ‘Selfie Capital of the World’ ang Makati City batay sa report ng Time magazine.

Base sa pagsusuri ng Time magazine, ang self-shot photographs ay patok na patok sa mga kabataang social media users kung saan kalahating milyong residente ng Makati City ang nakagawa ng mas maraming selfies kumpara sa mga residente ng ibang mga siyudad.

Dagdag ng Time, mayroong 258 selfie-takers sa kada isang daang libong tao sa Makati City, kaya malinaw na ‘selfiest city’ ito sa buong mundo.

Pasok din sa Top 10 Selfiest City ang Cebu City, na nasa ika-siyam na pwesto at mayroong 99 selfie-takers sa kada isang daang libong katao.

Samantala, narito ang listahan ng Top 10 Selfiest City sa buong mundo:

1. Makati City
2. Manhattan, New York
3. Miami, Florida
4. Anaheim at Santa Ana, California
5. Petaling Jaya, Malaysia
6. Tel Aviv, Israel
7. Manchester, England
8. Milan, Italy
9. Cebu City, Philippines
10. George Town, Malaysia

Read 2381 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.