JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Business

E-CIGARETTE AT VAPES, NIREKOMENDA NG DOH SA MALAKANYANG NA ISAMA SA PUBLIC SMOKING BAN

Nirekomenda ng Department of Health o DOH sa Malakanyang na isama sa public smoking ban ang mga e-cigarettes at vapes.

Bagama't ginagawa itong alternatibo sa sigarilyo, may mga ibedensya raw na nagpapatunay na delikado rin ito sa kalusugan.

Wala rin daw itong pinagkaiba sa yosi na meron din nicotine at iba pang mapanganib na kemikal.

Ayon kay DOH spokesperson Erick Tayag, imbis na pigilan ay lalo pang nahihikayat ang mga tao na manigarilyo.

Dagdag pa niya, ginagawa na rin itong produkto ng mga cigarette manufacturers para sa lumolobong bilang ng e-cigarettes at vape users.

Sa ngayon, hinihintay na lang ang pirma ni Pang. Duterte para mapatupad ang Nationwide Smoking Ban.

Read 6740 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.