JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
UMANO’Y KONGRESISTANG ‘BF’ NI VICE PRESIDENT LENI ROBREDO, IBINISTO NI PANGULONG DUTERTE

Tila ibinisto ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong "love life" ni Vice President Leni Robredo.

Ito ay matapos ang naging pahayag ni Pangulong Duterte bilang "ice-breaker" sa kanyang mensahe sa Yolanda commemoration sa Tacloban City.

Habang nanggagalaiti sa galit dahil sa mabagal na rehabilitasyon sa Yolanda victims, naisingit ni Pangulong Duterte na tanungin kung may boyfriend na si VP Robredo na umani ng kantiyawan sa mga dumadalo sa okasyon.

Umiling naman si Robredo bilang pagtanggi.

Ayon kay Pangulong Duterte, biyuda raw si Robredo habang 'annulled' naman ang kanyang kasal sa naunang asawa.

Dahil tumanggi, pabirong sinabi ni Pangulong Duterte na baka makapatay siya ng congressman.

"Sabagay pupunta rin ako dito kasi nandito si Vice President. Kung san siya pupunta pasunud-sunod ako. Pero byuda kasi. Annulled man ako sa asawa ko, pero may anak ako. Pero basta suportahan lang ok lang ‘yun," pagbibiro ng Pangulo.

"Ma’am balita ko may boyfriend ka raw, sabi diyan sa ano … Don’t be offended, ‘yon sabi nila. Hindi totoo? Eh kung totoo ‘yun ma’am may mapatay na congressman na bago, para ma-byuda ulit," dagdag ng Pangulo.

Matatandaang napabalitang kasintahan umano ni Robredo ang isang Quezon City congressman pero wala namang kumpirmasyon.

Read 2337 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.