JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
CONSUMER GROUP MAGHAHAIN NG KASO LABAN SA ERC AT 7 MALALAKING KUMPANYA

By: Felix Tambongco

MAGHAHAIN ng kaso sa Korte Suprema ngayong umaga ang consumer group Alyansa para sa Bagong Pilipinas para hilinging ipawalang bisa ang midnight contract sa pagitan ng Energy Regulatory Commission at ng 7 malaking power producers at agarang mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO).

Kasama sa paghahain ng kaso ng grupo sina Atty. Neri Colmenares, Consumer Advocate, at Atty. Cristina Yambot na siya ring tumatayong ABP Legal Counsel.

Ayon ABP Executive Director Noel Villones ng ABP, kwestyonable ano ang kontratang pinasok ng ERC sa 7 malalaking power producers dahil isinagawa ito sa pamamagitan ng midnight contract.

Sa kabila umano na mayroon ng kautusan noon di Energy Secretary Jericho Petilla na magpatupad ng bidding o Competitive Selection Process at sa kanila ng petisyon na inihain ng consumer group, Matuwid na Singil sa kuryente ay pilot pa ring pinalusot ang kontrata.

Dahil sa naturang kontrata ay lalo ng pinalalakas umano into ang monopolyo ng ilang malaking kumpanya sa industriya ng kuryente sa bansa na nagreresulta sa mas mataas na singil sa kuryente.

Sinabi pa ni Villones na mula pa noong 2001 ang mga electric consumer ay sinisingil ng sobra ng Meralco ng P1.50 kada kilowatt hour o 30 bilyon kada taon at sa pagpasok sa bagong kontrata MA's Maliki pa ano ang overcharging na mararanasan ng mga electric consumer.

Umapila rin si Villones na kay Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nitong alamin na mayroong bagong problema sa social justice ang bansa, itoy ang labis na pag na samantala sa mga electric consumers lalo na ng Meralco.

Read 4801 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.