JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
US, CHINA AT EU, SABIK NANG MAKATRABAHO SI DUTERTE

Wala pa mang opisyal na proklamasyon, nagpahayag na agad ng kahandaan ang Estados Unidos at China na makipag-ugnayan at makatrabaho si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Hindi na kasi natinag sa top spot ng presidential race si Duterte at nag-concede na rin ang kaniyang mga kalaban.

Ayon kay State Department spokeswoman Elizabeth Trudeau, iginagalang ng Washington ang desisyon ng mga Pilipino at masaya silang makikipagtrabaho sa napiling leader ng Pilipinas.

Samantala, umaasa naman ang China na babalik ang dating magandang ugnayan nila sa Pilipinas sa administrasyon ni Duterte.

Ayon kay Foreign Ministry spokesman Lu Kang, sana ay magtagpo ang mga hangarin ng Pilipinas at China upang maresolbahan na ang mga isyu sa teritoryo sa South China Sea.

Hiling rin nila na sana ay humupa na ang tensyon sa nasabing rehiyon.

Dagdag pa ni Trudeau, nasasabik na silang makatrabaho si Duterte na pinili ng nakararaming Pilipino.

Bukod sa US at China, naglabas na rin ng pahayag si EU Ambassador Franz Jessen na makatrabaho si Duterte at mapag-usapan ang EU-Philippine agenda sa kaniyang administrasyon.

Nabatid rin at na-engganyo si Jessen sa nakita niyang lakas ng paggamit ng mga Pilipino ng demokrasya upang piliin ang lider na nais nilang mamuno sa bansa.

Kapansin-pansin rin aniya ang naging malaking interes ng mga tao na maging bahagi ng halalan, pati na ang naging maayos na sistema ng eleksyon na na-obserbahan ng kanilang mga kinatawan dito sa bansa.

Read 3670 times Last modified on Thursday, 12 May 2016 17:26
Share this article

About author

Infinity Admin

Email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.