JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Business

KUWAIT AIRWAYS, MANGANGAILANGAN NG 250 PINOY WORKERS PARA SA KANILANG EXPANSION

Mangangailangan ng nasa 250 manggagawang Pinoy ang Kuwait Airways para sa kanilang expansion.

Sa ngayon, mahigit 200 Pinoy na ang nagta-trabaho sa Kuwait Airways.

Prayoridad nila ang mga Pinoy workers.

"We traget the Philippines because of the education background, the language and the customer experience. They have different touch," ayon kay Khaled Almuaili, Head of Human Resources ng Kuwait Airways.

Kukuha ang Kuwait Airways ng mga traffic officer, transit officer, guest service officer, porter, baggage sorter, ground equipment mechanic at marami pang iba.

Bukod sa magandang sahod, may free accomodation, transportation, food allowance at libreng ticket pauwi ng Pilipinas.

"Ito ay isang magandang pagkakataon para sa ating mga kababayan sa Pilipinas na gustong mangibang bansa especially dito sa Kuwait. Kayo po ay pinapayuhan namin na mag-apply sa lehitimong agency na mayroong existing job orders sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA)." pahayag ni Angelita Narvaez, Assitant Labor Attache - POLO.

Nangangailangan din ang Kuwait Airways ng mga security guard.

"As the organization is getting bigger. We have more fleets, you're required more manpower." ayon kay Nawaf Makam.

Pupunta sa Pilipinas ang Kuwait Airways Recruitment Team para mag-interview ng mga Pinoy workers mula Nov. 4 hanggang Nov. 10.

Read 2309 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.