JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGKALAS NG PILIPINAS SA US PABOR SA EKONOMIYA NG PILIPINAS AYON SA DoF AT NEDA

Dumipensa ngayon sina Department of Finance (DOF) Sec. Carlos Dominguez at National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Ernie Pernia sa naging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang pakikipaghiwalay ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Sinabi nina Dominguez at Pernia, napakahalaga ng mensahe ng Pangulong Duterte at agad na kikilos ang gabinete tungo sa regional economic integration.

Ayon sa mga economic managers ng Pangulong Duterte, dahil sa desisyon o bagong polisiya ng Pangulo, nabuksan na ang oportunidad ng Pilipinas sa trade and investment sa regional market ng nasa 1.8 billion katao.

Nilinaw naman nina Dominguez at Pernia na tuloy pa rin ang ugnayan ng Pilipinas sa Western countries pero gaya ng interes ng ASEAN economies, mas palalakasin na ngayon ang pakikiisa o integration sa rehiyon gaya sa China, Japan at South Korea.

Ang nasabing regional integration na papasukin ng Pilipinas at ASEAN ay katulad din ng European Union (EU), NAFTA sa North America at MERCOSUR sa South America.

 

Read 2662 times Last modified on Friday, 21 October 2016 11:16
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.