JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
WORKING VISIT NI PANGULONG DUTERTE SA VIETNAM, MATAGUMPAY

Masaya at naging produktibo ang naging pagbisita ni Pangulong Duterte sa Hanoi, Vietnam.

Ito ang sinabi ng pangulo sa pagbalik nito sa Davao City kaninang madaling araw, nagbigay siya ng talumpati sa harap ng media kaugnay sa mga naganap sa nasabing pag-bisita.

Ayon kay Duterte, marami silang napag-usapan ni Vietnamese President Tran Dai Quang tulad ng investments sa pagitan ng dalawang bansa, isyu West Philippine Sea at palakasin ang maritime cooperation na sisiguro sa kaligtasan ng mga mangingisda ng dalawang bansa gayundin ang maigting na pagsugpo sa mga krimen tulad ng iligal na droga.

Nakaharaprin rin niya ang mga Pilipinong naroon, isang malaking karangalan aniya ang maramdaman ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga “hardworking kababayans” o overseas Filipino workers na naroon sa Vietnam.

Ani pa Duterte, ang kaniyang pagpunta sa Hanoi ay naging isang malaking hakbang sa pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas sa Vietnam.

Read 2343 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.