JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
HIGH PROFILE INMATES PATAY SA RIOT SA NBP

By: Jojo Sicat

DEAD ON THE SPOT ang isang high profile inmates sa building 14 sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City sa naganap na riot kaninang alas 7:40 ng umaga.

Nakilala ang nasawi nasi Tony Co na isang drug lord matapos na sigurin nito ang isang inmates na si Major Clarence Duncain na may guilty sa kasong kidnapping at murder.

Lumabas na sinaway ni Duncain ang apat na high profile inmates habang nagsha-shabu sina Jaybee Sebastian, Peter Co, Tony Co, at Vicente Sy.

Hindi naging maganda ang dating kay Tony Co ang ginawang paninita ni Duncain kaya sinugod nito ng saksak na nauwi sa riot na ikinasawi ng Chinese inmate.

Isinugod si Sebastian at Peter Co sa Muntinlupa Medical Center kung saan nasa stable condition na si Sebastian at nanatiling 50/50 condition naman si Peter Co.

Isinugod naman si Vicente Sy sa hospital ng Muntinlupa matapos na magtamo ng sugat sa naturang riot.

Read 2370 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.