JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MAS MATIBAY NA UGNAYAN NG VIETNAM AT PILIPINAS, INAASAHAN

Mamaya na aalis patungong Vietnam si Pangulong Duterte, para sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng Philippines-Vietnam relations ngayong taon.

Inaasahang darating ang Pangulong Duterte sa Hanoi mamayang gabi, kasama ang ilang miyembro ng kanyang gabinete para sa kanilang official visit na tatagal ng dalawang araw.

Ang pagbisita ng pangulo sa Vietnam ay pagkakataon umano na pagtibayin ang economic at defense relations nito sa bansa.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Charles Jose, pagkakataon na ito ng pangulo para mas pagtibayin ang magandang ugnayan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng pananaw tungkol sa mga international at regional issues.

Ilan sa mga aktibidad ni Duterte sa Vietnam ay ang pakikipagpulong sa Filipino community sa Intercontinental hotel sa Hanoi para talakayin ang kampanya ng administrasyon laban sa droga at katiwalian.

Pagdating naman ng Huwebes, siksik ang schedule ng pangulo na binubuo ng mga pakikipagpulong sa pamahalaan gn Vietnam pati na rin sa mga communist leaders nito, dadalo rin siya sa pagbibigay pugay sa Monument of Heroes and Martyrs at sa Ho Chi Minh Mausoleum.

Pagkatapos nito, tutungo ang pangulo sa State Palace para makapulong si Vietnam President Tran Dai Quang tungkol sa mga bilateral exchanges tulad ng maritime cooperation at pagpapaigting ng law enforcement at defense cooperation ng dalawang bansa.

 

Read 2158 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.