JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DEPED, PINAG-IISIPAN ANG DRUG TEST PARA SA MGA GURO AT ESTUDYANTE

Pinag-iisipang mabuti ng Department of Education (DepEd) ang pagsasailalim sa taunang test sa lahat ng mga guro sa mga pampublikong paaralan at random drug test para naman sa mga estudyante.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, bahagi ang naturang plano sa kanilang ‘proactive measures’ upang maisulong ang antidrug campaign ng Duterte administration sa sektor ng edukasyon.

Sinabi ni Briones sa harap ng Senate finance subcommittee ang kanilang hinihinging P566 bilyon na budget para sa susunod na taon, ipinaliwanag ni Briones na apektado rin ng droga ang mga pampublikong paaralan.

At bilang pakikibahagi sa kampanya kontra droga, dapat aniyang magsilbing ehemplo ang mga guro sa kanilang mga estudyante.

Sa panig naman ng mag-aaral, isasagawa ang drug test sa pamamagitan ng ‘sampling basis’, ngunit dapat munang hingin ang permiso ng bawat magulang ng mga estudyanteng isasalang sa drug test bago ito isagawa.

Dagdag pa ni Briones, kanilang pag-aaralan kung ipapatupad ngayong taon o sa susunod na taon ang drug test sa mga teacher at mag-aaral.

Sa kasalukuyan bilang, may 722,000 public school teachers at 25 milyong mag-aaral sa buong Pilipinas.

Read 2289 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.