JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DAHIL SA SUNOD-SUNOD NA BOMB SCARE: DEPED, HUMINGI NG DAGDAG NA POLICE VISIBILITY SA MGA PAARALAN

Nanawagan ang Department of Education ng dagdag na seguridad sa mga paaralan matapos ang sunud-sunod na bomb threat na natatanggap ng ilang mga eskuwelahan partikular na sa Metro Manila.

Ayon sa DepEd, bagama't wala pa umanong nagpositibo sa lahat ng pagbabanta ay mas mainam na umanong dagdagan ang mga pulis na aantabay kung sakaling may lumabas ulit na bomb threat.

Sa ganung paraan ay masisiguro rin umano ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at iba pang mga personnel sa iba pang kriminalidad.

Kaugnay nito, nanawagan rin ang DepEd sa publiko na maging mapagmatyag sa paligid at iwasan naman umano ang pagkakalat ng mga balita kung hindi pa naman kumpirmado.

“While the said bomb threats turned out to be a hoax, we reiterate our call for police visibility near the schools. We also remind our school officials to intensify security and be extra vigilant to ensure the safety of our teachers, students, and personnel,” ayon sa DepEd.

Ilan sa mga paaralan na nakatanggap ng bomb threats ay ang Centro Escolar University, EARIST, Don Alejandro Roces Science Technology High School, College of San Benildo, Bulacan Satate University at Cavite State University.

Read 2518 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.