JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

News

Ex-Chief Justice Renato Corona, pumanaw na

Binawian ng buhay si Ex- Chief Justice Renato Corona dahil sa cardiac arrest eksaktong 1:48 ng madaling araw sa Medical City sa Lungsod ng Pasig.

May sakit na diabetes si Corona at dalawang beses itong sumailalim sa bypass surgery.

Binawian ito ng buhay sa edad na 68. Ipinanganak si Corona noong ika 15- ng Oktubre 1948 at namatay ng ika-29 ng Abril 2016.

Inutos ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na lagyan ng half mast na watawat sa lahat ng korte sa bansa dahil sa pagpanaw ng dating Chief Justice Renato Corona.

 

Inilagay ni Ex-President Gloria Macapagal-Arroyo si Corona bilang Chief Justice noong ika 12- ng Mayo 2010 bago na impeach noong 2012 dahil sa naging problema sa kaniyang SALN o Statement of Assets Liability and Net worth.

Si Chief Justice Renato Corona ay nagtapos sa Ateneo de Manila University sa taong 1970 at galing naman sa University of Santo Tomas ang kaniyang Doctor of Civil Law Degree at nagtapos ito bilang Summa Cum Laude at naging Class Valedictorian naman noong 1982.

Read 4780 times Last modified on Friday, 29 April 2016 22:46
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.