JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Business

BPI, NAGPALIWANAG MATAPOS MAINIS ANG KANILANG MGA KLIYENTE

Nilinaw ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang nauna nilang abiso na nag-aatas sa kanilang mga kliyente na i-update ang kanilang account information bago mag-September 30.

Sa latest na advisory ng BPI sa kanilang Facebook page, nilinaw nitong hindi lahat ng kanilang kliyente ay kailangang mag-update para patuloy na maka-access sa automated teller machines (ATMs), online at mobile services.

Ayon sa BPI, ang kinakailangan lamang mag-update ay ang mga kliyente nila na pinadalhan o nakatanggap ng official communication mula sa bangko.

“We wish to clarify that these recent announcements apply only to a limited number of individuals, with whom we have already communicated separately. Should you have any questions, please visit us at the branch where you maintain your account or e-mail us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.,” ayon sa BPI.

Humingi rin ng paumanhin ang BPI sa kanilang mga kliyente na nainis matapos mabasa ang naunang abiso kahapon.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na naglabas ng paglilinaw ang BPI sa isyu.

Sa unang abiso nito noong August 26, araw ng Biyernes, nakasaad na dapat mag-update ng impormasyon ang kanilang mga kliyente at ang deadline ay August 31.

Umani ito ng batikos sa mga kliyente dahil maliban sa araw ng Biyernes ibinigay ng BPI ang abiso ay nataon pang holiday ang August 29, kaya mayroon lamang August 30 at 31 ang mga kliyente para tumugon.

Kagabi ay naglabas ng paglilinaw ang BPI at sinabing sa halip na August 31 ay September 30 na ang deadline.

Read 3851 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.