JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PHILIPPINE DRAGONBOAT TEAM NASUNGKIT ANG DALAWANG GINTO SA TAIWAN

Nasungkit ng Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) ang dalawang gintong medalya at isang bronze sa katatapos pa lamang na 2016 Taiwan International Dragon Boat Championships.

Nanalo ang mga Pinoy sa 200-meter standard boat 20-seater at 200-meter small boat 10-seater na kung saan mahigpit na nakatunggali ang mga kopunan mula sa Taiwan.

Sinabi ni PCKDF President Jonne Go na masaya itong makita ang watawat ng Pilipinas na iwinawagayway sa dragonboat championship sa ibang bansa.

Samantala, naghahanda naman ang kopunan sa susunod nitong laban sa 2016 Asian Dragonboat Championship at 2016 Puerto Princesa International Club Crew Championship sa Nobyembre na gagawin sa Palawan.

Read 2396 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.