JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
KORTE SUPREMA, NAGPALABAS NG ORDER NA PIPIGIL SA PAGLILIBING KAY MARCOS SA LIBINGAN NG MGA BAYANI

Nagpalabas ng status quo ante order ang Korte Suprema na pipigil sa paglilibing kay dating Pangulo Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay SC spokesman Atty. Theodore Te, epektibo ang status quo ante order sa loob ng 20 araw.

Nangangahulugan ito na wala munang magaganap na aksyon o wala munang gagawing paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa loob ng dalawampung araw na pag-iral ng status quo ante mula ngayon o kapag natanggap na ng mga petitioners at lahat ng partido ang kautusan ng korte.

Dahil dito, ipinagpaliban muna ang oral arguments sa petisyon na inihain ng tatlong grupo na mga biktima ng Martial Law na tumututol sa paglilibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani na gaganapin sana bukas ng umaga.

Kabilang dito ang petisyon nina dating Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Neri Colmenares, gayundin ang ikalawang petisyon ng Grupo ni Albay Rep. Edcel Lagman at ng mga kaananak ng mga biktima ng Desaparecidos at ang petisyon nina dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales.

Kahapon ay humabol namang maghain ng petisyon ang grupo nina dating senator Heherson Alvarez, batikang director na si Joel Lamangan, National Commission for Culture and the Arts executive director Cecilia Guidote-Alvarez, dating Education Secretary Edilberto de Jesus, University of Santo Tomas Political Science Professor Edmund Tayao, Movement Against Political Dynasties chairman Danilo Olivares at actor na si Noel Trinidad.

Habang ang pang-limang petisyon ay inihain ng grupo ng mga kabataan na nagpakilalang millennials na sina Zaira Baniaga, John Arvin Buenaagua, Joanne Lim at Juan Antonio Magalang na pawang mga estudyante ng University of the Philippines at kanilang counsel na si Atty. Jesus Falcis III.

Sa isinagawang en banc session, Martes ng umaga, napagpasyahan ng mga mahistrado na itakda ang oral argument sa mga petisyon sa August 31.

Nauna nang itinakda ng Supreme Court ang oral arguments ganap na alas 2:00 ng hapon bukas, August 24.

Read 2974 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.