JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGDINIG NG SENADO SA EXTRA JUDICIAL KILLING SA MGA DRUG PERSONALITY, UMARANGKADA NA

BY: JOJO SICAT

UMARANGKADA na ang imbestigasyon ng Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Senadora Leila de Lima kung saan kinumpirma ng mga nakakaraming pinuno ng ahensya ng pamahalaan ang pagdalo sa pagdinig na sinimulan kaninang alas-9:49 ng umaga.

Bago sinimulan ang pagdinig naging panauhing pandangal pa sa flag ceremony ng senado si PNP chief P/ Director General Ronald Dela Rosa kung saan nagpasalamat ito sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Sinimulan ang pagdinig sa panalangin ni Senador Manny Pacquiao.

Gumamit ng power point presentation si Senadora de Lima sa kanyang opening statement kung saan sinabi ng mambabatas na nababahala ito sa kaliwa't kanang patayan na inaalmusal sa umaga na summary execution sa mga sangkot sa droga.

Iginiit ni de Lima na nais nitong malaman ang nasa likod ng pamamaslang subalit, hindi nito na dinadawit ang gobyerno sa umanoy nagkalat na death squad at mga vigilante.

Nais aniya malaman ng senadora kung legitimate ba ang lahat ng operasyon ng pulis kung saan napapatay ang mga sangkot sa illegal drugs.

Nababahala si De Lima sa lumabas na report ng PNP na bilang na napapatay na drug suspect na umaabot aniya sa 35 na tao araw araw.

Sinabi pa ni de Lima na may labingdalawa itong ihaharap na testigo na magpapatunay ng overkilling sa mga drug suspects.

Aniya sa imbestigasyon kanyang sisikaping alamin kung nasusunod ba ang batas sa isinasagawang operasyon ng mga awtoridad.

Dagdag pa ni De Lima na hindi intensyon ng senado na tutulan ang ginagawang Laban ng pamahalaan sa ipinagbabawal na droga nais lamang na palakasin ang batas upang mas lalong mapaigting ang kampanya ng pamahalaan.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ginunita ni Senador Panfilo Lacson ang kanyang karanasan noong ito pa ay PNP Chief na inamin na may ilang pulis ang bumalik sa mga illegal na gawain noong ito ay magretiro na bilang PNP chief.

 

Read 3473 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.