JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PRESIDENT DUTERTE, HINAHANAPAN NG “FOLLOW-UP” SA KANYANG NAME AND SHAME CAMPAIGN

Di sapat na pinangalanan lang ni President Rodrigo Duterte ang umano'y ilang PNP Generals, mga hukom at ilang pulitiko na umano'y sangkot sa illegal drugs trade.

Hamon ni Sen. Antonio Trillanes IV, dapat sundan ang aktuwal na pagsasampa ng kaso sa Korte ang mga pinangalanan ng Pangulo sa kanyang name and shame campaign.

Tanong ni Trillanes, nasaan na ang kaso laban sa mga binansagan narco generals na unang pinangalanan ni President Duterte na umano'y sangkot sa sindikato ng iligal na droga.

Buwelta ni Trillanes, July 5 o mahigit isang buwan na ang nakararaan ng pangalanan ng Pangulo ang limang binansagang narco generals, pero hanggang ngayon aniya'y wala pang balita na nakasuhan na ba ang mga ito sa Korte.

Sabi ni Sen. Trillanes bago ilabas ang panibagong Duterte list noong kinabibilangan ng mga Local Government official, sampulan muna ang mga nahuli at nasangkot sa umano'y operasyon ng iligal na droga.

Read 25115 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.