JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
HUWAG MAG-OVER REACT SA PAGPAPATIGIL NG ENDO - DRILON

BY: JOJO SICAT

 

NAGBABALA si Senate Pro-tempore Franklin Drilon sa pamahalaan na huwag masyadong mag-over react sa pagpapatigil ng endo o contractualization.

Ipinaliwanag ni Drilon sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Labor sa harap ng kapwa senador at opisyal ng Department of Labor na dapat na maging balanse sa ipatutupad na hakbang para matigil na ang talamak na endo system o labor only contracting sa bansa.

Aniya posibleng mauwi sa pagsasara ng mga kumpanya at mga pabrika kapag nag-over react na tatakutin ng mabigat na parusa ang lalabag sa labor code.

Sinabi pa ni Drilon na pagnagkataon mas mas marami anyang manggagawa ang mawawalan ng trabaho kapag nagsara at lumipat sa ibang bansa at doon na mamuhunan.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig tiniyak naman ng Commitee on labor and Employment Chairman Joel Villanueva na magiging maingat ang kanyang komite sa ipapanukalang parusa sa mga kumpanyang sangkot sa labor only contracting.

Read 2758 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.