JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MMDA, DOTR, AT MAIA SASALANG BUKAS SA EMERGENCY POWER HEARING

BY: JOJO SICAT

 

NAKATAKDANG sumalang bukas ang MMDA, Department of Transportation at Manila International Airport Authority (MIAA) sa isasagawang pagdinig ng senado upang masolusyunan ang lumalalang problema sa trapik sa bansa partikular na sa Metro Manila.

Ang naturang pagdinig ay pamununuan ng Senate Committee on Public Services na pinangangasiwaan ni Senadora Grace Poe para narin sa pagbibigay ng emergency power sa Pangulo.

Layunin rin ng komite na alamin sa mga isasalang sa pagdinig kung ano ang maaring maging solusyon sa nararanasang trapik base narin sa kanilang pag -aaral.

Mula sa hanay ng Department of Transportation nakatakdang dumalo bukas si Secretary Arthur Tugade, Undersecretary for Planning Rommel Gavieta, Undersecretary for Administration and Finance Garry De Guzman, Undersecretary for Maritime Felipe Judan, Undersecretary for Air Sector Bobby Lim, Undersecretary for Legal Raoul Creencia, Undersecretary for Rails and Toll Roads Noel Kintanar, Undersecretary for Roads and Infrastructure Anne Lontoc, Assistant Secretary for Legal Affairs Leah Quiambao, at Assistant Secretary/Spokesperson Cherie Mercado-Santos

Mula naman sa hanay ng Manila International Airport Authority nakatakdang dumalo bukas si MIAA General Manager Ed Monreal at sa hanay ng MMDA naimbitahan bukas ang Officer-in-Charge nasi Atty. Emerson Carlos at mga opisyal nito.

Read 1955 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.