JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SUMUKONG NO. 2 DRUG LORD SA VISAYAS HINDI MUNA PAPAUWIIN NG PNP

Hindi muna pauuwiin ang sumukong si Franz Sabalones, ang ikalawang bigtime drug lord sa Visayas at kapatid ni San Fernando, Cebu Cice Mayor Falz Sabalones.

Ito’y makaraang samahan si Franz ng kaniyang kapatid upang sumuko mismo kay PNP Chief Ronald 'Bato' Dela Rosa.

Ayon kay Bato, pipigain nila si Franz para makakuha ng impormasyon kung paano tumatakbo ang operasyon ng iligal na droga sa Visayas.

Dahil may abogadong kasama si Sabalones, sinabi ng PNP Chief na isasailalim na nila ito sa inquest proceedings sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG.

Hahanapan din aniya nila ng arrest warrant si Sabalones lalo’t umamin naman na ito sa kanila na sangkot ito sa iligal na droga.

Kaugnay nito, sinabi ni Dela Rosa na batay sa salaysay ni Sabalones, umaabot sa P200,000 kada linggo ang ibinibigay nito sa isang Police Senior Superintendent na nakatalaga sa Cebu.

Pero hindi umano nito alam kung nakakarating ang nasabing pera sa mas mataas na opisyal ng PNP dahil ang direkta umanong ka transaksyon ni Sabalones ay ang naturang opisyal lamang.

Gayunman, sinabi sa kaniya ni Sabalones na hindi na nito batid kung nakararating pa sa mga heneral ang kaniyang ibinibigay na pera bilang protection money sa kanilang iligal na operasyon.

Kasunod nito, tiniyak ni Dela Rosa na kaniya nang ipinatapon sa ARMM ang lahat ng mga opisyal at tauhan ng pulisya sa Region 7.

Dagdag pa ng PNP Chief, dating galamay ni alyas Jaguar si Sabalones at si Peter Co naman na nasa bilibid ang siyang supplier nila ng ipinagbabawal na gamot.

Read 6904 times Last modified on Monday, 08 August 2016 20:33
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.