JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Business

LUZON GRID MULING ISINAILALIM SA YELLOW ALERT

Isinailalim muli sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang Luzon Grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

Batay sa abiso ng NGCP, tatagal ang yellow alert sa Luzon grid sa loob ng anim na oras o mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Paliwanag pa ng NGCP, ang available capacity ngayon ay nasa 9,895 megawatts at aabot naman sa 9,128 megawatts ang peak demand.

Para naman maiwasan ang pagpapatupad ng rotational brownout, pinayuhan naman ng Meralco ang kanilang consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Inabisuhan na rin ng Meralco ang mga commercial at industrial customers na kasali sa Interruptible Load Program na maging handa sa posibilidad na paggamit ng kanilang generator sets sakaling kailanganin.

Read 2267 times Last modified on Thursday, 04 August 2016 12:56
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.